Paggalugad at paggamit ng 5G, dapat magkakasamang talakayin, itatag, at tamasahin ng iba’t-ibang bansa — Tsina

2021-01-14 14:58:09  CMG
Share with:

Naitayo na sa Tsina ang pinakamalawak na fixed at mobile network, at naisakatuparan ng mobile tele-communication technology ng Tsina ang napakalaking breakthrough sa larangan ng 5G technology.

 

Ngunit noong ilang panahong nakalipas, hinihimok ng ilang politikong Amerikano ang ibang bansa na huwag gumamit ng 5G installation ng kompanyang Tsino.

 

Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Enero 13, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang ipinalalagay ng panig Tsino na ang paggalugad at paggamit ng 5G ay dapat magkakasamang talakayin, itatag, at tamasahin ng iba’t-ibang bansa.

 

Ani Zhao, sa larangang pansiyensiya’t panteknolohiya, ang pagpaplano ng pag-unlad ng teknolohiya sa pamamagitan ng idelohiya, paglikha ng mga artipisyal na hadlang, at pagpigil at pag-atake sa isang bansa o kompanya, ay lumalabag sa pundamental na alintutunin ng pag-unlad ng siyensiya’t teknolohiya.

 

Hindi ito angkop sa komong kapakanan ng iba’t-ibang bansa, diin pa niya.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method