Kooperasyon, pauunlarin ng Tsina at Ehipto

2021-07-19 16:41:51  CMG
Share with:

Kooperasyon, pauunlarin ng Tsina at Ehipto_fororder_sisi

El Alamein, Ehipto – Sa kanyang pakikipagtagpo, Hulyo 18, 2021  kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinaabot ni Pangulong Abdel Fattah al Sisi ng Ehipto ang kanyang pangungumusta kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina at pagbati para sa Ika-100 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Sinabi pa niyang ang Tsina ay tunay na kaibigan ng Ehipto.

 

Buong tatag aniyang pinapaunlad ng kanyang bansa ang kooperasyon sa Tsina sa iba’t ibang larangan, at lalo pang pinalalakas ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.

 

Aniya, nananangan ang Ehipto sa patakarang “Isang Tsina” at sinusuportahan ang “Belt and Road Initiative (BRI).”

 

Pinasasalamatan aniya ng Ehipto ang Tsina sa pagkakaloob ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Wang na lubos na pinapupurihan ng Tsina ang suporta ng Ehipto sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan ng bansa.

 

Buong tatag aniyang kinakatigan ng Tsina ang Ehipto sa pagtahak nito sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan.

 

Bukod dito, nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa isyu ng Gitnang Silangan at Aprika.

 

Sa panahon ng kayang pagdalaw sa Ehipto, mag-uusap din sina Wangyi at Sameh Hassan Shoukry, Ministrong Panlabas ng Ehipto.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method