Pagpapalalim ng pandaigdigang partnership sa kaunlaran, hinimok ni Wang Yi

2021-07-15 16:05:34  CMG
Share with:

Mula ika-13 hanggang ika-15 ng Hulyo, 2021, itinaguyod ng porum sa mataas na antas ng United Nations (UN) Economic and Social Council ang voluntary national review hinggil sa pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development.
 

Sa kanyang pagdalo sa nasabing aktibidad nitong Miyerkules sa pamamagitan ng video link, inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang kalagayan ng pagpapatupad ng Tsina ng nasabing agenda.

Pagpapalalim ng pandaigdigang partnership sa kaunlaran, hinimok ni Wang Yi_fororder_20210715WangYi

Saad ni Wang, iginigiit ng Tsina ang bagong ideyang pangkaunlaran na nagtatampok sa inobatibo, koordinado, berde, at bukas na pag-unlad para sa lahat, at ito ay angkop sa 5 simulain ng naturang agenda.
 

Nakahanda aniya ang Tsina, na makipagkapit-bisig sa ibat-ibang panig upang palalimin, ang pandaigdigang partnership na pangkaunlaran, likhain ang bagong prospek ng pandaigdigang kooperasyon sa kaunlaran, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method