Ngayong araw, Hulyo 19, 2021 ay ang simula ng 200 araw na countdown para sa Beijing 2022 Olympic Winter Games.
Sa kasalukuyan, natapos na ang konstruksyon ng 76 na mahahalagang proyekto sa Zhangjiakou, isa sa mga sonang pagdarausan ng nasabing Olimpiyada.
Kaugnay nito, kayang itaguyod ng 4 na competition venue sa nukleong sona ng Chongli ang mga palaro, at ibayo pang pinapataas at pinapabuti ang kondisyon ng mga competition venue, batay sa kahilingan ng Komite Tagapag-organisa ng 2022 Olympic at Paralympic Winter Games.
Ayon sa salaysay ng kaukulang tauhan, itinayo ng lunsod ng Zhangjiakou ang sentro sa pagpapasulong sa iba’t ibang serbisyo ng Olimpiyada, para maigarantiya ang mga serbisyo na gaya ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, pabahay, pagkain at inumin, serbisyong medikal at panseguridad, transportasyon, serbisyong meteorolohikal at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio