Ika-21 CIFIT, gaganapin sa Fujian sa Setyembre: Pilipinas, guest country of honor

2021-07-21 16:48:33  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Bagong Pagkakataon sa Pamumuhunang Pandaigdig sa Ilalim ng Bagong Kayarian ng Kaunlaran,” gaganapin mula ika-8 hanggang ika-11 ng Setyembre 2021, sa Xiamen, Lalawigang Fujian ng Tsina ang ika-21 China International Fair for Investment and Trade, kung saan, ang Pilipinas ay guest country of honor.
 

Kaugnay nito, isinalaysay nitong Martes, Hulyo 20 ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina,  ipo-promote sa gaganaping perya ang pamumuhunan sa Tsina, at bibigyang-tulong ang pagbangon at paglago ng kabuhayang pandaigdig.
 

Dagdag ni Wang, mga mangangalakal mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa), at mga kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ang aanyayahang lalahok.
 

Ayon sa pagtaya, dadalo rin sa peryang ito ang mga kompanya o kinatawan mula sa mahigit 120 bansa’t rehiyon, sa pamamagitan ng online at offline platform.
 

Napag-alamang, 130,000 metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng exhibition area, at itataguyod ang mahigit 50 kaukulang aktibidad.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method