Mga hakbangin sa pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo sa mga puwerto, inilunsad ng Tsina

2021-07-22 12:23:02  CMG
Share with:

Sa pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina nitong Miyerkules, Hulyo 21, 2021, inilunsad ang mga hakbangin upang ibayo pang palalimin ang reporma sa pasilitasyon ng transnasyonal na kalakalan, at pabutihin ang kapaligirang pangnegosyo sa mga puwerto ng bansa.
 

Ang nasabing hakbangin ay may tatlong aspekto na kinabibilangan ng: ibayo pang pagpapataas ng episyensiya ng customs clearance; ibayo pang pagpapababa ng gastos sa pag-aangkat at pagluluwas; at ibayo pang pagpapalakas ng komprehensibong serbisyo ng mga puwerto.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method