White paper hinggil sa Hainan Free Trade Port, inilabas

2021-06-21 16:31:55  CMG
Share with:

Pormal na inilabas nitong Linggo, Hunyo 20, 2021 ng Tsina ang white paper hinggil sa Hainan Free Trade Port.
 

Komprehensibong ipinakikita ng white paper ang natamong bunga ng konstruksyon ng nasabing puwerto nitong nakalipas na isang taon, at inilalahad ang mga pangunahing patakaran at mahalagang hakbangin sa pagpapasulong sa konstruksyon ng free trade port.

White paper hinggil sa Hainan Free Trade Port, inilabas_fororder_20210621Hainan

Sa news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Wang Lei, mataas na opisyal ng Lalawigang Hainan, na nitong nakalipas na isang taon, masigla sa Hainan ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas, at maalwang sumusulong ang konstruksyon ng free trade port.
 

Aniya, sa susunod na hakbang, gagawing nukleo ng Hainan ang pangkalahatang plano sa konstruksyon ng free trade port, at ituturing na pagkakataon ang pagpapatupad ng batas sa Hainan Free Trade Port, para pag-ibayuhin ang konstruksyon ng puwertong ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Frank

Please select the login method