Tsina at Amerika, may komong misyon sa pagharap sa pagbabago ng klima

2021-07-22 16:05:23  CMG
Share with:

Nanawagan kamakailan si US climate envoy John Kerry na dapat magkaroon ng kooperasyon ang Tsina at Amerika sa larangan ng pagbabago ng klima.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Hulyo 21, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa at pinakamalaking maunlad na bansa sa daigdig, may komong misyon ang Tsina at Amerika sa aspekto ng pagharap ng pagbabago ng klima.

Sinabi ni Zhao na kailangang ibayo pang palakasin ng dalawang bansa ang kanilang pagsasanggunian at pagtutulungan para mapatingkad ang karapat-dapat na papel sa daigdig.

Pero, binigyang-diin niyang hindi dapat panghimasukin ng panig Amerikano ang mga suliraning panloob ng Tsina at sirain ang kapakanang Tsino, habang hinihiling nito sa Tsina na unawain at suportahan ang Amerika sa bilateral at pandaigdigang suliranin.

Dapat likhain ng panig Amerikano ang mabuting kondisyon para sa kooperasyon ng kapuwa panig sa mahahalagang larangan, dagdag pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method