Matatag at mabuti ang bilateral na pamumuhunan ng Tsina noong unang hati ng taong ito.
Ito ang ipinahayag nitong Hulyo 22, 2021, ni Guo Tingting, mataas na opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina.
Aniya, lumaki nang lumaki ang pondong dayuhang nagamit ng Tsina, at lumaki rin ang bilang ng mga bagong tatag na kompanya.
Lumaki ng 49.6% ang aktuwal na pamumuhunan sa Tsina galing sa mga bansa ng Belt and Road. 50.7% naman ang paglaki ng pamumuhunan mula sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). At paglaki naman ng pamumuhunan mula sa mga bansa ng Unyong Europeo (EU) ay 10.3%.
Sinabi rin ni Guo, na matatag at maayos ang pamumuhunan ng Tsina sa labas. Lumaki ng 8.6% ang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa ng BRI noong unang hati ng taong 2021.
Salin:Sarah
Pulido:Mac