CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, nananatiling matatag at mabuti

2021-07-16 11:43:13  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Tsina ang mga data ng kabuhayang Tsino noong unang hati ng taong ito. Narito ang ilang pangunahing data.

 

GDP: 53.2167 trilyong yuan RMB, mas malaki ng 12.7% kumpara sa unang hati ng nagdaang taon.

 

Konsumo: 61.7% ang ambag ng konsumo sa paglaki ng GDP. Noong Hunyo, 3.7586 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tingiang benta ng consumer product, lumaki ng 12.1% kumpara sa halaga noong Hunyo 2020.

 

Kalakalang panlabas: ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ay lumaki ng 27.1% kumpara sa unang hati ng 2020, at lumaki naman ng 22.8% kumpara sa unang hati ng 2019.

 

Pamumuhunan: 25.59 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pamumuhunan sa mga fixed asset, mas malaki ng 12.6% kumpara sa unang hati ng nagdaang taon. 607.84 bilyong yuan RMB naman ang puhunang dayuhan sa mga di-pinansyal na sector, mas malaki ng 28.7% kumpara sa unang hati ng nagdaang taon.

 

Ipinakikita ng mga data, na mabuti hindi lamang ang pangkalahatang kalagayan ng kabuhayang Tsino, kundi rin ang tatlong pangunahing elementong tagapagpasulong sa kabuhayan na kinabibilangan ng konsumo, kalakalang panlabas, at pamumuhunan.

 

Samantala, dahil sa matatag na takbo ng tatlong elementong ito, inaasahang patuloy na magiging matatag at mabuti ang kabuhayang Tsino.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method