Amerika, pumalpak sa laban kontra COVID-19 - CGTN Think Tank

2021-07-23 16:05:52  CMG
Share with:

 

 

Sa Analytical Report on the Global Situation of the COVID-19 Pandemic na inilabas Hulyo 23, 2021, tinukoy ng CGTN Think Tank na may polarization ang pandemic data ng iba’t ibang bansa ng daigdig ayon sa mga masusing index kaugnay ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon sa ulat, napakahalaga ng papel ng mga pamahalaan sa proseso ng paglaban sa COVID-19.

 

Sa 51 mga bansa, pinakamasama ang performance ng Amerika sa harap ng hamon ng pandemya. Mahigit 34 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at mahigit 600,000 ang bilang ng mga pumanaw, kapuwa nasa unang puwesto sa naturang mga indeks sa buong mundo.

 

Samantala, ang Tsina ay mayroong pinakamaliit na bagong karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lahat ng sample countries, at mayroon din itong pinakamalaking bilang ng pagbabakuna.

 

Tinukoy ng mga tagapag-analisa na ito ay salamat sa serye ng malakas na hakbangin na isinagawa ng Tsina.

 

Bukod dito, natamo ng Tsina ang breakthrough sa pananaliksik at pagpoprodyuse ng bakuna kontra COVID-19, at buong lakas na pinapasulong ang pagbabakuna sa buong bansa.

 

Pero, tinukoy din sa ulat na umiiral pa rin ang di-pantay na pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19 sa buong mundo. Hindi mabuti ang kalagayan ng pagbabakuna sa mga umuunlad na bansa kumpara sa mga maunlad na bansa.

Amerika, pumalpak sa laban kontra COVID-19 - CGTN Think Tank_fororder_01

Amerika, pumalpak sa laban kontra COVID-19 - CGTN Think Tank_fororder_02

Amerika, pumalpak sa laban kontra COVID-19 - CGTN Think Tank_fororder_03

Amerika, pumalpak sa laban kontra COVID-19 - CGTN Think Tank_fororder_04

Amerika, pumalpak sa laban kontra COVID-19 - CGTN Think Tank_fororder_05

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method