Tsina nakahandang patuloy na magbigay ng ambag para sa tagumpay ng paglaban sa COVID-19 ng buong daigdig

2021-07-23 16:10:05  CMG
Share with:

Ipinahayag Hulyo 22, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsailta ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, inaprobahan ng mahigit 100 bansa ang paggamit ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ng Tsina. Aniya pa na-iniksiyunan na ang mga lider ng mahigit 30 bansa ng COVID-19 vaccine na gawa ng Tsina. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 500 milyong dosis ng bakuna ang ipinagkaloob ng Tsina sa mahigit 100 bansa at organisasyon.

 

Mataas na pinahahalagahan ng mga lider ng iba’t ibang bansa ang ambag na ibinigay ng bakunang kaloob ng Tsina para sa paglaban sa COVID-19.

 

Pinapurihan din ng mga mamamayang dayuhan ang bakunang Tsino.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao na palagiang iginigiit ng Tsina ang pagpapalalim ng pandaigdigang kooperasyon sa bakuna at gawing pampublikong produktong pangkalusugan ang bakuna.

 

Binigyan-diin ni Zhao na nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng iba’t ibang bansa, para pasulungin ang pantay na pagbabahagi at paggamit ng bakuna sa buong mundo, para magbigay ng positibong ambag para sa tagumpay ng paglaban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Tsina nakahandang patuloy na magbigay ng ambag para sa tagumpay ng paglaban sa COVID-19 ng buong daigdig_fororder_bakuna

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method