Karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas

2021-07-23 11:33:16  CMG
Share with:

Karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas_fororder_20210723bakuna

 

Dumating ngayong umaga, Hulyo 23, 2021, sa Ninoy Aquino International Airport ang karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.

 

Kasama ng isa pang pangkat na dumating kahapon, tinanggap ng Pilipinas ang 2.5 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac sa loob ng dalawang araw.

 

Ayon sa mga may kinalamang opisyal, ang pinakahuling mga bakunang ito ay gagamitin sa NCR Plus at ibang mga lugar, kung saan nakikita ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

 

Samantala, hanggang sa kasalukuyan, nakamit ng Pilipinas ang mahigit 30 milyong iba't ibang uri ng bakuna kontra COVID-19, at kabilang dito, 17 milyon ang mula sa Sinovac.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Photo courtesy: PTV

Please select the login method