Hanggang alas tres ngayong hapon, Hulyo 25, 2021, 4 na medalyang ginto, 1 medalyang pilak, at 3 medalyang tanso ang napasakamay na ng mga atletang Tsino sa idinaraos na Tokyo Summer Olympics.
Ang Tsina ang pansamantala ngayong nangunguna sa talaan ng medalya.
Kabilang sa 4 na medalyang ginto ng Tsina ay ang unang medalyang ginto ng kasalukuyang Olimpiyada, na napanalunan ni Yang Qian sa women's 10m air rifle.
Ang tatlong iba pa ay nasungkit ni Hou Zhihui sa weightlifting women's 49kg, Sun Yiwen sa women's epee individual, at Shi Tingmao/Wang Han sa women's synchronized 3m springboard.
Ang medalyang pilak ay galing sa shooter na si Sheng Lihao, samantalang ang mga medalyang tanso naman ay galing sa mga shooter na sina Jiang Ranxin, Pang Wei, at Yang Haoran.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan