Nilikha ni Hidilyn Diaz ang kasaysayan nang mapanalunan ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas, sa women's weightlifting 55kg event sa Tokyo Olympics nitong Lunes, Hulyo 26, 2021.
Binuhat ng 30 taong gulang na si Diaz ang 97 kg sa snatch, at 127kg sa clean and jerk, at nakuha ang 224 kg na bigat sa kabuuan. Kapuwa Olympic record ang naturang 127kg at 224 kg na timbang.
Nakamit ni Diaz ang pinakaaasam-asam na Olympic gold ng Pilipinas sapul nang sumali sa quadrennial event noong 1924 sa Paris, Pransya.
Ipinadala ng Malakanyang ang mensaheng pambati sa panalo ni Diaz.
Samantala, ang atletang Tsino na si Liao Qiuyun ang nagkamit ng medalyang pilak sa pagbuhat ng 223kg, at napasakamay naman ni Zulfiya Chinshanlo na taga-Kazakhstan ang medalyang bronse sa buhat na 213kg.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CFP