Tianjin, Tsina — Nag-usap nitong Martes, Hulyo 27, 2021 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Batmunkh Battsetseg, Ministrong Panlabas ng Mongolia kung saan inilabas ang magkasanib na pahayag ng dalawang bansa tungkol sa ibayo pang pagpapalakas ng kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at magkakasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan.
Sa kanilang pagharap sa mga mamamahayag pagkatapos ng pag-uusap, ipinahayag ni Wang na mabunga ang pag-uusap nila ng kanyang Mongolian counterpart.
Sinabi niya na igigiit ng kapwa panig ang paggalang sa kasarinlan ng isa’t-isa, soberanya, at kabuuan ng teritoryo. Sinang-ayunan din aniya ng kapwa panig na palakasin ang pagpapalitan ng mga lider ng dalawang bansa, at pabilisin ang pag-uugnayan ng Belt and Road Initiative at Grassland Road Initiative ng Mongolia at magpunyagi upang maagang makamit ang $10 bilyon bilateral trade target.
Ayon pa sa Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Mongolia Tungkol sa Ibayo Pang Pagpapalakas ng Kooperasyon Sa Pakikibaka Laban sa COVID-19 na naging bunga ng pagtatagpo, patuloy na palalalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon upang maisakatuparan ang komong hangarin ng paglaban sa pandemya, pagpapatatag ng kabuhayan, at paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Diin pa ng dalawang panig, ang paghanap ng pinagmulan ng coronavirus ay isang siyentipikong gawain, at hindi ito dapat isapulitika.
Salin: Lito
Pulido: Mac