CMG Komentaryo: Imbestigasyon sa Fort Detrick Lab, panawagan ng komunidad ng daigdig

2021-07-28 16:32:33  CMG
Share with:

Plano ng World Health Organization (WHO) na isagawa ang ikalawang yugto ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, at hindi aalisin ang posibilidad ng “lab-leak” ng virus.

 

Kaugnay nito, nanawagan ang komunidad ng daigdig na dapat imbestigahan ang Fort Detrick Laboratory ng Amerika.

 

Maraming problema ang Fort Detrick, pero, sa harap ng pagdududa ng daigdig, tinanggihan ng Amerika ang pagsasapubliko ng may kinalamang impormasyon sa katwiran umano ng “seguridad ng bansa.”

 

Tapos na ang gawain ng WHO at Tsina sa pananaliksik ng pinagmulan ng coronavirus. Sa ulat na inilabas noong Marso, 2021, ipinalalagay ng WHO na “hindi posible” ang lab-leak ng coronavirus mula sa mga laboratoryo ng Tsina.

 

Sa susunod na yugto ng pananaliksik na ito, hindi iiwasan ng WHO ang pag-iimbestiga sa posibilidad ng “lab-leak”, kaya ang Fort Detrick ay dapat maging kauna-unahang lugar ng imbestigasyon ng WHO.

 

Ito ay hindi lamang kahilingan ng pananaliksik na pansiyensiya, kundi rin panawagan ng mga mamamayan ng buong daigdig.

 

Dapat tugunan ng WHO ang naturang panawagan ng mga mamamayan, at imbestigahan ang Fort Detrick Lab at mahigit 200 iba pang bio-labs ng Amerika sa ibang bansa, para hanapin ang katotohanan kaugnay ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig.

CMG Komentaryo: Imbestigasyon sa Fort Detrick Lab, panawagan ng komunidad ng daigdig_fororder_komentaryo

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method