Pangulong Tsino, bumati sa bagong halal na Pangulo ng Peru; mutual na kapakinabangan inaasahan

2021-07-28 16:38:00  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati na ipinaabot kamakailan kay Pedro Castillo, bagong Pangulo ng Peru, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Tsina at Peru ay mabuting magkaibigan. Malalim ang pagtitiwalaang pulitikal at tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at marami ang bunga ng kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan.

Pangulong Tsino, bumati sa bagong halal na Pangulo ng Peru; mutual na kapakinabangan inaasahan_fororder_pangulongxi01

Sinabi ni Xi na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ni Pangulong Pedro Castillo, para samantalahin ang pagkakataon ng Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong diplomatiko ng Tsina at Peru sa taong 2021, pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa at ihatid  ang benepisyo para sa mga mamamayan ng  dalawang panig.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method