Ayon sa ulat ng Russian media, ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Violeta Bermudez ng Peru, na bumili ang kanyang bansa ng bakuna sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Sinopharm ng Tsina.
Ayon pa rin kay Bermudez, darating ng Peru sa darating na Pebrero 9 ang unang pangkat ng 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinopharm.
Ang mga natitira ay inaasahang darating ng Peru sa loob ng buwang ito at sa darating na Marso, dagdag niya.
Salin: Liu Kai