Tsina sa Amerika: ang manipulasyong pulitikal ay hindi makakatulong sa paglaban sa COVID-19

2021-07-29 16:12:28  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa di-pormal na pulong ng United Nations (UN) upang pakinggan ang ulat ng indipendiyenteng grupo ng mga dalubhasa kaugnay ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kinondena ni Dai Bing, Charge d'Affairs ng Pirmihang Delegasyon ng Tsina sa UN, ang walang batayang pagbatikos ng Amerika sa Tsina.

Tsina sa Amerika: ang manipulasyong pulitikal ay hindi makakatulong sa paglaban sa COVID-19_fororder_UN

Binigyan-diin niya na ang manipulasyong pulitikal ay hindi makakatulong sa tagumpay ng paglaban sa COVID-19.

 

Hindi rin aniya ito popular sa mga mamamayan, at tiyak na mabibigo.

 

Aniya, palagiang nananangan ang Tsina sa bukas, maliwanag, siyentipiko at kooperatibong diwa; sinusuportahan ang lubos na koordinasyon ng mga bansa; at pinapasulong ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa iba’t ibang lugar ng buong daigdig.

 

Sinabi pa niyang, hindi lamang dapat isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, kundi dapat ding isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng pulitikal na virus.

 

Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na igalang ang siyensiya at iligtas ang mga buhay, itigil ang pagsira sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19 at pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, at tanggapin ang pagpunta ng World Health Organization (WHO) sa Amerika para isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method