Tsina sa Afghanistan: ang kinabukasan ng bansa ay dapat kontrolin ng mga mamamayan

2021-07-29 16:09:32  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Hulyo 28, 2021, sa lunsod Tianjin, gawing hilaga ng Tsina sa delegasyon ng Taliban ng Afghanistan, muling inilahad ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang prinsipyo at paninindigan ng bansa sa pagpapasulong ng mapayapang proseso sa loob ng Afghanistan.

Tsina sa Afghanistan: ang kinabukasan ng bansa ay dapat kontrolin ng mga mamamayan_fororder_wangyi

Tinukoy ni Wang na ang Taliban ay mahalagang puwersang militar at pulitikal, at may pag-asang gaganap ito ng malaking papel sa proseso ng rekonstruksyon at rekonsiliyasyon ng Afghanistan.

 

Aniya, inaasahan ng Tsina na pahahalagahan ng Taliban ang kapakanan ng bansa at nasyon, igagarantiya ang target ng kapayapaan, itatayo ang positibong imahe, at mananangan sa inklusibong patakaran.

 

Ang kinabukasan ng Afghanistan ay dapat kontrolin ng mga mamamayan, ani Wang.

 

Aniya pa, dapat magkaisa ang iba’t ibang nasyonalidad at paksyon ng Afghanistan para pasulungin ang rekonsiliyasyon tungo sa pagtatamo ng aktuwal na bunga sa lalo madaling panahon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method