Sa news briefing hinggil sa proseso ng mapayapang rekonsiliyasyon ng Afghanistan nitong Martes, Hulyo 13, 2021, sinabi ni Hamid Karzai, dating Pangulo ng Afghanistan, na inaasahang mapapanumbalik ang talastasang pangkapayapaan sa malapit na hinaharap.
Nanawagan siya sa mga mamamayan na manatili sa Afghanistan, at huwag mawalan ng pag-asa.
Noong nagdaang Hunyo, binatikos ni Karzai ang Amerika sa paglulunsad ng digmaan sa kanyang bansa.
Aniya, ang halos 20 taong presensyang militar sa Afghanistan ay hindi nagbunsod ng katatagan, sa halip, inilagay nito ang bansa sa “ganap na kahihiyan at kapahamakan.”
Salin: Vera
Pulido: Mac