Sinabi kahapon, Hulyo 30, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat ipaliwanag ng Amerika ang apat na isyu kaugnay ng pinagmulan ng coronavirus.
Ayon kay Zhao, ang unang isyu ay may kinalaman sa malaking bilang ng mga respiratory disease at di-umanong E-Vaping-related lung illness na naganap mula Hulyo hanggang Setyembre ng 2019 sa Virginia, Wisconsin, at Maryland.
Ani Zhao, dapat suriin ng panig Amerikano ang blood sample ng naturang mga may-sakit, para tiyakin kung ang mga ito ay kaso ng COVID-19 o hindi, at ilabas din ang resulta ng pagsusuri.
Ang ikalawang isyu ay may kinalaman sa Fort Detrick, sentro ng mga biolohikal na aktibidad ng panig militar ng Amerika, kasama ang mahigit 200 bio-lab ng Amerika sa iba't ibang lugar ng daigdig.
Sinabi ni Zhao, na dapat anyayahan ng Amerika ang mga eksperto ng World Health Organization (WHO) na siyasatin ang naturang mga pasilidad, bilang tugon sa pagduda ng komunidad ng daigdig kung transparent, lehitimo, at ligtas ang mga ito.
Ang ikatlong isyu ay may kinalaman sa University ng North Carolina at grupo ni Ralph Baric sa pamantasang ito na matagal nang pinag-aaralan ang coronavirus, at may kakayahan sa pagsynergize at pagmodify ng coronavirus.
Binigyang-diin ni Zhao, na kinakailangan din ang pagsisiyasat ng WHO sa naturang pamantasan at grupo, para malinawan kung ang pag-aaral sa coronavirus ay lilikha o hindi ng bagong uri ng virus na humantong sa pandemiya ng COVID-19.
At ang ikaapat na isyu ay may kinalaman sa naiulat na ilang may-sakit na atletang militar ng Amerika na kalahok sa Military World Games, na idinaos noong Oktubre 2019, sa Wuhan, Tsina.
Hinimok ni Zhao ang panig Amerikano na ilabas ang mga detalye tungkol sa naturang mga atleta, kung anu-ano ang sakit nila, at mayroon o wala ba silang mga sintomas na kapareho ng COVID-19.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Mga banta ng Amerika sa mga dalubhasang nagsagawa ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus
CMG Komentaryo: Imbestigasyon sa Fort Detrick Lab, panawagan ng komunidad ng daigdig
Coronavirus mula sa kalikasan, muling ipinaliwanag ng mga siyentista
Teoryang nanggaling sa laboratoryo ang coronavirus, walang batayan - ulat ng Foreign Policy