Di-umano’y pagkahawa ng 3 tauhan ng WIV sa coronavirus, walang ebidyensya at purong kasinungalingan – Tsina

2021-07-22 12:17:41  CMG
Share with:

Katulad ng dating maruming gawain, muli na namang pinalaki kamakailan ng ilang opisyal at media ng Amerika ang isyu ng di-umano’y pagkahawa sa coronavirus ng tatlong tauhan ng Wuhan Institute of Virology (WIV) noong Nobyembre ng 2019.
 

Sinabi pa nilang ang insidenteng ito ay nagdagdag ng kredibilidad sa posibilidad na tumagas nga ang virus mula sa nasabing laboratoryo.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Hulyo 21, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina walang anumang ebidyensya ang panig Amerikano na sumusuporta sa haka-hakang ito, at ang kanilang mga pahayag ay purong kasinungalingan.
 

Aniya, layon ng panig Amerikano na dungisan at siraan lamang ang Tsina, sa katuwiran ng pananaliksik sa pinanggalingan ng coronavirus.
 

Sa kabilang dako, tinukoy ni Zhao na ayon sa website ng National Institutes of Health (NIH) ng Amerika, lumitaw noong Disyembre 2019 ang mga kaso ng pagkahawa sa coronavirus, sa 5 estado ng Amerika.
 

Tanong ni Zhao, bakit tikom ang bibig ng panig Amerikano sa usaping ito?
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method