Tsina: Plano sa second-phase virus tracing ng Sekretaryat ng WHO, di-maaaring gawing batayan ng kooperasyon

2021-07-30 15:30:58  CMG
Share with:

Tinukoy nitong Huwebes, Hulyo 29, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga kasaping bansa ng World Health Organization (WHO) ang plano sa ika-2 yugto ng pananaliksik sa pinanggalingan ng coronavirus na unilateral na iniharap ng Sekretaryat ng WHO. Hindi ito angkop sa kahilingan ng resolusyon ng Ika-73 World Health Assembly (WHA) at konklusyo’t mungkahi ng ulat ng magkasanib na pananaliksik ng Tsina at WHO. Hindi rin ito komprehensibong nagpapakita ng pinakahuling resulta ng pananaliksik sa pinanggalingan ng virus sa buong mundo, kaya hindi ito maaaring gawing batayan ng kooperasyon ng ika-2 yugto ng pananaliksik.
 

Saad ni Zhao, upang katigan ang pagsasagawa ng WHO ng ika-2 yugto ng pananaliksik, kusang-loob na iniharap ng mga dalubhasang Tsino ang plano ng Tsina sa gawain ng paghahanap ng pinagmulan ng virus sa susunod na yugto, batay sa ulat ng nabanggit na magkasanib na pananaliksik ng Tsina at WHO.
 

Ang planong ito ay iniharap, bago isumite ng Sekretaryat ng WHO ang plano sa ika-2 yugto ng pananaliksik, dagdag niya.
 

Diin ni Zhao, ang origin-tracing ay seryosong siyentipikong isyu. Dapat hayaan ang mga siyentipiko na hanapin ang pinagmulan ng virus, para mas mainam na pigilan ang panganib sa hinaharap.
 

Buong tatag na tinatanggihan ng panig Tsino ang pagsasapulitika ng origin-tracing, aniya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method