Donasyong ventilator ng Tsina sa Cuba, dumating ng Havana

2021-08-01 13:15:52  CMG
Share with:

Donasyong ventilator ng Tsina sa Cuba, dumating ng Havana_fororder_20210801Cuba550

Dumating nitong Sabado, Hulyo 31, 2021, sa  Havana, kabisera ng Cuba, ang mga ventilator na donasyon ng pamahalaang Tsino bilang tulong  sa pagharap ng bansa sa panibagong pag-usbong ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Bukod dito, ipapadala din ng Tsina sa Cuba ang iba pang mga materyal na tulong.

Kaugnay nito, ipinaabot ng mga opisyal ng Cuba ang kanilang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina sa pakikibaka ng bansa  laban sa pandemiya.

Diin nila, ang pagkakaisa at pagtutulungan ay tanging daan upang pagtagumpayan ang COVID-19.

Anila, sa ilalim ng suporta ng mga mapagkaibigang bansang tulad ng Tsina, hindi magtatagumpay ang tangka ng bang  bansa na  ibukod  ang Cuba.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method