Nagpulong kahapon, Hulyo 30, 2021, ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para pag-aralan at suriin ang kalagayan ng kabuhayan, at isaayos ang mga gawaing pangkabuhayan sa ikalawang hati ng taong ito.
Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina.
Ayon sa pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, pagpasok ng taong ito, patuloy at matatag na bumabangon ang kabuhayang Tsino, pinapalakas ang reporma at pagbubukas sa labas, tuluy-tuloy na bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, natatamo ang mga bagong bunga ng de-kalidad na pag-unlad, at nananatiling matatag ang pangkalahatang kalagayan ng lipunan.
Kaugnay ng mga gawaing pangkabuhayan sa ikalawang hati ng taong ito, tinukoy ng pahayag, na ang pangkalahatang target ay pagsasakatuparan ng ibayo pang pag-unlad habang pinananatili ang katatagan.
Ayon pa rin sa pahayag, ang mga patakaran sa makro-ekonomiya ay dapat maging tuluy-tuloy, matatag, at sustenable.
Patuloy na isasagawa ng Tsina ang proaktibong fiscal policy at matatag na monetary policy, pananatilihin ang katatagan ng exchange rate ng Renminbi sa makatwiran at balanseng lebel, at igagarantiya ang suplay at matatag na presyo ng mga pangunahing paninda.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos