Sa preskong idinaos kaugnay ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa Great Hall of the People, Beijing Linggo, Marso 7, 2021, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Tsina at Europa ay kumakatawan sa dalawang mahalagang puwersa sa multipolar world.
Ani Wang, ang relasyong Sino-Europeo ay pantay at bukas. Hindi ito nakatuon sa ikatlong panig, at hindi rin nito pinipigil ang ikatlong panig, aniya.
Ipinahayag niya na ikinasisiyang makita ng panig Tsino ang walang humpay na pagpapalakas ng estratehikong pagsasarili ng Europa, paggigiit ng ideya ng multilateralismo, at pagpupunyagi para sa pagkokoordinahan at pagtutulungan ng mga malaking bansa.
Dagdag pa niya, patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang proseso ng integrasyon ng Europa, kakatigan ang pagkakaisa at pagpapalakas ng sarili ng Europa, at pagpapatingkad nito ng mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig.
Salin: Lito
Pulido: Mac