Dumating umaga ng Agosto 2, 2021, ang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at mga materyal na medikal na ipinagkaloob ng Tsina, sa Tunis, kabisera ng Tunisia.
Sa seremonya ng pagsalubong na idinaos sa paliparan, pinasalamatan ni Othman Jerandi, Ministro ng mga Suliraning Panlabas ng Tunisia, ang Tsina para sa mga natutang ayuda.
Binigyan-diin niya na sapul nang nagsimula ang pandemiya ng COVID-19, maraming beses na ibinigay ng Tsina ang tulong sa Tunisia, na lalo pang nagpatibay sa relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhang Jianguo, Embahador ng Tsina sa Tunisia, na matapat na sinusuportahan ng Tsina ang Tunisia sa paglaban sa COVID-19.
Salin:Sarah
Pulido:Mac