Tsina, nakahandang patuloy na pataasin ang accessibility at affordability ng bakuna kontra COVID-19 sa mga bansang bahagi Belt and Road

2021-08-03 11:57:49  CMG
Share with:

Isinalaysay nitong Lunes, Agosto 2, 2021 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na noong nagdaang Hunyo, nangulo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Asia and Pacific High-level Conference on Belt and Road Cooperation. Sa nasabing komperensya, magkakasanib na inilunsad ng Tsina, kasama ng 28 bansa, ang Initiative for Belt and Road Partnership on COVID-19 Vaccines Cooperation, kung saan iminungkahi ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagbibigay-tulong, pagluluwas at magkasamang pagpoprodyus ng bakuna.
 

Ayon sa nasabing tagapagsalita, aktibong ipinapatupad ng Tsina ang naturang inisyatiba, at narating, kasama ng mga co-sponsor, ang komong palagay sa kooperasyon ng 775 milyong dosis ng bakuna at concentrates. Sa kasalukuyan, 350 milyong dosis ng bakuna ang idiniliber na.
 

Bukod dito, sinimulan ng mga kompanyang Tsino ang magkakasanib na produksyon, kasama ng 4 na co-sponsor. Tinatalakay rin ang magkakasanib na produksyon, kasama ng ibang mga may-gustong bansa.
 

Dagdag ng tagapagsalitang Tsino, nakahanda ang Tsina na patuloy na magpunyagi, kasama ng mga partner ng Belt and Road, para mapasulong ang patas na distribusyon ng bakuna sa buong mundo, at mapataas ang accessibility at affordability ng bakuna sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road at ibang umuunlad na bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method