Walang duda, napakalaki ng presyur na nakapataw sa balikat ng mga atletang kasali sa 2020 Olimpiyada ng Tokyo. Upang mapagaan ang kalooban, may iba’t ibang pampabuwenas ang mga manlalaro.
Tignan po natin ang ilan sa mga pampalubag at pampasigla ng ilang atleta ng 2020 Tokyo Olympics.
Mabentang mabenta ngayon sa Tsina ang yellow duckie hairpin na isinusuot ni Yang Qian, kampeon ng women's 10-meter air rifle.
“Ang dilaw na patong ito ay aking masuwerteng alindog,” anang 21-taong gulang na si Yang sa media makaraang masungkit ang medalyang ginto.
Ipinagdiriwang ni Gianmarco Tamberi, atletang Italyano ang kanyang pagkakapanalo ng medalyang ginto sa high jump, habang hawak ang plaster na pampaa.
Isinulat ni Tamberi sa plaster na matagal niyang isinuot sa napinsalang paa ang kanyang pangako na: “Road to Tokyo 2020.”
Isang Gumamela ang iginawad sa sarili ni Jasmine Camacho-Quinn, na taga-Puerto Rico makaraang makuha ang medalyang ginto sa women's 100m hurdles.
Mahilig mag-headband si Yaime Perez, medalistang bronse na taga-Cuba sa women’s discus throw.
Hawak ni Valerie Adams, atleta ng New Zealand ang litrato ng kanyang dalawang anak makaraang manalo ng medalyang bronse sa women’s shot put.
Mahilig magsuot ng kakaibang maskara si Raven Saunders, medalistang pilak sa women’s shot put.
Nagugustuhan naman ng maraming manlalaro ang pagpapatato ng Olympic Rings.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Larawan: IC
Espesyal na pasasalamat kay Liang Shuang