Ngayong araw, Hulyo 31, 2021, ay ikaanim na anibersaryo ng matagumpay na pagbibidding ng Beijing para sa 2022 Winter Olympic at Paralympic Games.
Sa preskong idinaos nauna rito, isinalaysay ng Lupong Tagapag-organisa ng naturang mga palaro, na malapit ng maging handa ang lahat ng mga venue at pasilidad.
Ayon sa naturang lupon, natapos na ang konstruksyon ng lahat ng 12 venue para sa mga paligsahan, sa kalunsuran at kanugnog na Yanqing District ng Beijing at co-host city na Zhangjiakou.
Sa siyam namang non-competitive venues, handa na ang walo na gaya ng mga media center at Olympic village. At nakatakdang matapos sa darating na Oktubre ang renobasyon sa panghuling venue, na National Stadium kung saan idaraos ang mga seremonya ng pagbubukas at pagpipinid.
Samantala, natapos na hanggang noong Hunyo ng taong ito ang mahigit 30 proyekto ng mga supporting infrastructure na kinabibilangan ng isang high-speed railway, mga haywey, at isang green power grid.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos