Kalakalan ng serbisyo ng Tsina sa unang 6 na buwan ng 2021, namayagpag

2021-08-04 16:30:01  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, 6.7% ang inilaki ng kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng serbisyo ng Tsina noong unang 6 na buwan ng 2021, kumpara sa parehong yugto ng nagdaang taon.

 

Inaasahang mananatili ang tunguhing ito sa mga susunod pang buwan, dagdag ng ulat.

 

Samantala, 22.5% naman ang itinaas ng halaga ng pag-aangkat at pagluluwas nitong Hunyo 2021 kumapara noong Hunyo 2020.

 

Bukod pa riyan, umabot sa 91.3% ang pag-angat ng pagluluwas ng serbisyo ng transportasyon na naging pinakamabilis na paglaki sa aspekto ng pagluluwas.

 

Samantala, sa larangan ng pag-aangkat, pinakamabilis ang paglaki ng serbisyo ng arkitektura, na umabot sa 62.12%.

Kalakalan ng serbisyo ng Tsina sa unang 6 na buwan ng 2021, namayagpag_fororder_kalakalan

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method