Sa kanyang pagdalo sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag nitong Martes, Agosto 3, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na noong unang hati ng kasalukuyang taon, natamo ng kooperasyong pangkalakalan at pampamumuhunan ng Tsina at ASEAN ang kapansin-pansing bunga.
Dahil aniya sa pagkakapawi ng negatibong epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), lumampas sa $USD410 bilyon ang halaga ng bilateral na kalakalang Sino-ASEAN.
Diin niya, ito ay mas malaki ng 38.2% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ang ASEAN ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina, ani Wang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio