Kalakalang panlabas ng Tsina, lumago ng 27.1% noong unang hati ng 2021

2021-07-13 16:12:01  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Martes, Hulyo 13, 2021 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, umabot sa 18.07 trilyong yuan RMB (mga 2.79 trilyong dolyares) ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa, at ito ay lumaki ng 27.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Ang datos na ito ay patuloy na lumaki nitong nakalipas na 13 buwang singkad.
 

Kabilang dito, 9.85 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng pagluluwas, at 8.22 trilyong yuan naman ang pag-aangkat.
 

Kumpara sa gayun ding panahon ng 2019, umabot sa 22.8% ang bahagdan ng paglago ng kalakalang panlabas noong unang hati ng taong ito.

Kalakalang panlabas ng Tsina, lumago ng 27.1% noong unang hati ng 2021_fororder_20210713kalakalan

Samantala, nananatiling mainam ang tunguhin ng paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa mga pangunahing trade partner.
 

Umabot sa 2.66 trilyong yuan, 2.52 trilyong yuan at 2.21 trilyong yuan ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Unyong Europeo, at Amerika, ayon sa pagkakasunud-sunod, at pawang umabot sa humigit-kumulang 30% ang paglaki.
 

Lumaki naman ng 27.5% at 22.7% ang pag-aangkat at pagluluwas sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road at mga trade partner ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method