CMG Komentaryo: pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa Amerika, dapat isagawa

2021-08-04 16:04:57  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng 6 na wika, inilabas kamakailan sa Youtube, Twitter, Facebook, Sinaweibo at WeChat ng CGTN Think Tank ng China Media Group (CMG), ang questionnaire kaugnay ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.

 

Ayon sa resulta, ipinalalagay ng 83.1% na respondent na dapat isagawa ng World Health Organization (WHO) sa Amerika ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.

CMG Komentaryo: pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa Amerika, dapat isagawa_fororder_komentaryo

Kaugnay nito, base sa impormasyong ibinahagi ng panig militar ng Amerika sa Israel at North Atlantic Treaty Organization (NATO), sinabi ng “The Time of Israel” at iba pang media, na noong Nobyembre 2019, binanggit ang Wuhan ng Tsina bilang pinagmulan ng pandemiya.

 

Pero, ang nakakapagtaka, paano maagang nalaman ng Amerika ang outbreak ng pandemiya sa Wuhan?

 

Kaugnay nito, ipinalalagay ng media ng Rusya na, posibleng idinulot ng Amerika sa Wuhan ang outbreak sa pamamagitan ng paglahok ng delegasyong Amerikano sa Military World Games na idinaos sa gitnang dako ng Oktubre 2019.

 

Samantala, kahit tinukoy ng magkasanib na ulat ng World Health Organization (WHO) at Tsina na “di-posible” ang haka-hakang “pagtagas ng virus mula sa laboratoryo ng Tsina,” pinipilit hilingin ng Amerika sa WHO na isagawa ang ikalawang yugto ng “pananliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa Tsina.” 

 

Bilang reaksyon, mahigpit na kinondena ng komunidad ng daigdig ang aksyon ng Amerika.

 

Mahigit 70 bansa ang nagpahayag ng suporta sa resulta ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa unang yugto, at higit pa riyan, tinututulan nila ang pagsasapulitika ng nasabing isyu.

 

Nararapat lamang na sundin ng WHO ang kahilingan ng buong daigdig, at isagawa ang imbestigasyon sa Amerika sa lalo madaling panahon, para tuklasin ang katotohanan para sa mga mamamayan ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method