CMG Komentaryo: Pagbuo ng sirkulong magbubukod sa Tsina, hindi nararapat buuin ng Amerika

2021-08-02 16:59:53  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Pagbuo ng sirkulong magbubukod sa Tsina, hindi nararapat buuin ng Amerika_fororder_rBABDGEGgYKAOZq2AAAAAAAAAAA191.1000x563

 

Dumalaw kamakailan ang ilang mataas na opisyal Amerikano sa mga kapitbansa ng Tsina.

 

Bagama't sinasabi ng Amerika, na wala itong kagustuhang hadlangan ang pag-unlad ng Tsina, kitang-kitang ang mga kilos nito ay salungat sa sariling pananalita.

 

Sa naturang mga pagdalaw, patuloy na inilabas ng panig Amerikano ang mga iresponsableng pahayag tungkol sa South China Sea, Taiwan, at Tibet.

 

Muli rin nitong iniharap ang umano'y banta mula sa Tsina, para painitin ang alitan sa pagitan ng Tsina at mga kapitbansa nito.

 

Halatang-halata sa mga pahayag na ito ang tangka ng Amerika na bumuo ng sirkulong magbubukod sa Tsina.

 

Sa katotohanan, mainam sa kabuuan ang kasalukuyang relasyon ng Tsina at mga kapitbansa nito, at ang kapayapaan at kaunlaran ay komong hangarin ng lahat ng may-kaugnayang panig.

 

Tinututulan din ng karamihan sa mga bansa ang nabanggit na pakana ng panig Amerikano.

 

Tulad ng sinabi minsan ni Chan Chun Sing, Ministro ng Edukasyon ng Singapore, na sa ilalim ng pandaigdigang kalagayan ng kompetisyon ng Tsina at Amerika, walang puwang ang ideya ng "zero-sum," at dapat buuin ang inklusibo at konektadong mundo.

 

Hinihimok naman ng panig Tsino ang mga tagapagpasiya ng Amerika, na tumpak na pag-aralan ang mga hakbang at paninindigan nito, itakwil ang mga maling pagka-unawa sa Tsina, at pag-isipang mabuti ang mga mapanganib na patakaran ng bansa.

 

Ipinahayag din ng panig Tsino, na hindi dapat ituring ng Amerika ang Tsina bilang kaaway, hindi dapat isagawa ang komprontasyon laban sa Tsina, at hindi rin dapat bumuo ng sirkulong magbubukod sa Tsina.

 

Kailangang maunawaan ng Amerika, na ang malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang angkop sa mga kapakanan ng kapuwa panig, kundi komong hangarin din ng komunidad ng daigdig.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method