Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), inihayag ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang suporta ng kanyang bansa sa pagsasagawa ng WHO ng higit na mas maraming imbestigasyon sa pinagmulan ng coronavirus sa mga bansang gaya ng Tsina. Aniya, dapat magkaisa ng palagay ang komunidad ng daigdig sa isyung ito.
Ang umano’y “suporta” ni Blinken ay, sa katunayan, paninirang-puri at paninikil sa Tsina, gamit ang WHO. Ibayo pang nagpapatunay ito sa tangka ng Amerika na gawing “marionette” ang WHO.
Noong Mayo ng nagdaang taon, habang lumalala ang panganib ng pagkalat ng pandemiya sa buong mundo, ipinatalastas ng dating pamahalaan ng Amerika ang pagtalikod sa WHO.
Nang manungkulan ang kasalukuyang pamahalaan ng Amerika, sa ngalan ng “multilateralismo,” bumalik muli ito sa WHO. Sadya nitong itinago ang mga bakuna para unahin ang sariling bansa, at muling pinalaki ang teoryang “pagtagas ng virus sa laboratoryo” para siraan ang Tsina. Ang tunay na tangka nito ay patuloy na isagawa ang panlilinlang na pulitikal, para hayaan ang WHO na maglingkod sa layunin ng Amerika sa pagbaling ng pananagutan at paninikil sa Tsina.
Ang tangkang pulitikal ng Amerika sa katwiran ng teoryang “pagtagas ng virus mula sa laboratoryo ng Tsina” ay mariing kinokondena ng sirkulo ng siyensiya ng buong mundo.
Upang himukin ang WHO na muling isagawa ang origin-tracing sa Tsina, madalas na binanggit ng ilang pulitikong Amerikano ang “alituntunin.” Pero kung tunay na susundin ng Amerika ang alituntunin, dapat anyayahan nito ang mga dalubhasa ng WHO na imbestigahan ang Fort Detrick biological warfare lab at ibang mahigit 200 biological lab nito sa ibayong dagat.
Ang alituntunin ng Amerika ay hindi kumakatawan sa pandaigdigang alituntunin, at ang pamantayan ng Amerika ay hindi katumbas ng pamantayan ng WHO.
Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat sa buong mundo ang COVID-19 Delta variant, at nagiging masalimuot at matindi ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Kailangang mas mariing igiit ng WHO ang siyentipikong diwa, at tanggihan ang pagsuko sa presyur na pulitikal.
Hinding hindi pahihintulutan din ng komunidad ng daigdig ang intensyonal na panghihimasok ng Amerika. Dapat magbuklud-buklod para biguin ang tangka sa pagsasagawa ng manipulasyong pulitikal sa ngalan ng WHO, igarantiya ang tumpak na direksyon ng pandaigdigang sigasig kontra pandemiya, at hanapin ang tunay na sagot, sa pamamagitan ng siyentipikong origin-tracing.
Salin: Vera
Pulido: Mac