COVID-19 virus natagpuan sa tubig imburnal at sample ng dugo sa Italy noong 2019

2021-08-06 16:28:13  CMG
Share with:

Isang research paper ang nagsabing posibleng kumakalat na ang COVID-19 sa Italy noong 2019, ilang linggo bago ang unang naitalang kaso sa Wuhan, Tsina, na nagbunsod ng mas maraming katanungan sa pinagmulan ng virus.

 

Mula nang nagsimula ang pandemya, walang humpay na nananaliksik ng mga siyentipiko sa buong daigdig tungkol sa sanhi ng naturang sakit.

 

Sa pamamagitan ng pagsuri ng mga lumang kaso, blood samples, at maging ang mga tubig imburnal maraming mga pag-aaral ang nakatuklas sa virus bago pa man ito naiulat sa Tsina.

 

Mula Enero 14 hanggang Pebrero 10, 2021 isinagawa ng 34 dalubhasa ng World Health Organizaton (WHO) ang 28 araw na pananaliksik sa Wuhan. Ayon sa resulta, hindi posible ang lab-leak ng virus.

 

Inirekomenda ng mga dalubhasa na dapat isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng virus sa iba’t ibang lugar ng buong mundo.

COVID-19 virus natagpuan sa tubig imburnal at sample ng dugo sa Italy noong 2019_fororder_covidtimeline01

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method