WHO: Lampas 200 milyong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, sanhi ng napakaraming elemento

2021-08-06 16:12:12  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling real-time data ng World Health Organization (WHO), hanggang alas 6:08 ng gabi Central European Summer Time, Agosto 5, 2021, lumampas na sa 200 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, samantalang mahigit 4.25 milyon ang mga pumanaw.
 

Inihayag nang araw ring iyon ni Direktor Heneral Tedros Adhanom Ghebreyesus ng WHO na ang pagdaragdag ng mga kumpirmadong kaso sa daigdig ay hindi lamang isang likas na proseso, kundi sanhi rin ng napakaraming mga elemento na gaya ng pagdami ng social contact, di-magkatugmang patakaran sa kalusugang pampubliko at pagpigil sa pandemiya, di-patas na pagkuha ng bakuna at iba pa.
 

Aniya, dapat baguhin ang kalagayang, ang karamihan ng mga bakuna kontra COVID-19 ay napupunta sa mayayamang bansa. Kailangang makuha ng mga bansang may mababang kita ang mas maraming bakuna, para matupad ang target ng WHO na bakunahan ang 10% ng populasyon ng lahat ng mga bansa, bago ang katapusan ng Setyembre.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method