Ini-update kamakailan ng Bloomberg ng Amerika ang umano’y “COVID Resilience Ranking” kung saan nangunguna ang Amerika at nasa ika-8 puwesto ang Tsina sa listahan.
Samantala, tinukoy ng listahan ang mga umano’y “kakulangan o problema” ng Tsina sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Bilang tugon, ipinalabas kamakailan ng China Global Television Network (CGTN) ang artikulong pinamagatang “Bloomberg's COVID-19 ranking epitomizes 'business first, humans last'” kung saan ibinunyag ang katotohanan tungkol sa nasabing listahan.
Tinukoy ng CGTN na ipinapauna ng ranking standards ng Bloomberg ang kapakanan ng mga bahay-kalakal, at inillalagay sa huli ang kapakanan ng mga mamamayan.
Ito ay magkatugma sa kaukulang polisya ng Amerika, diin pa ng CGTN.
Para mabasa ang buong artikulo, narito ang link:
Salin: Lito
Pulido: Rhio