Isang empleyadong Tsino ng Bloomberg, hinuli dahil pinaghihinalaang kasangkot sa pagkakapinsala sa pambansang seguridad ng Tsina

2020-12-16 17:25:48  CMG
Share with:

Kaugnay ng balita tungkol sa pagdakip ng isang empleyadong Tsino ng Bloomberg, media company ng Amerika, sinabi kahapon, Martes, ika-15 ng Disyembre 2020, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinataw na ng Beijing National Security Bureau ang mga kompulsaryong hakbangin, alinsunod sa batas sa naturang mamamayang Tsinong may apelyido na Fan, dahil pinaghihinalaan siyang kasangkot sa krimeng nakakapinsala sa pambansang seguridad ng Tsina.

 

Dagdag ni Wang, ipinahayag naman ng Bloomberg, na ang pangyayaring ito ay walang kaugnayan sa trabaho ng naturang Tsino.

 

Pinabulaanan din ni Wang ang pagpuna sa kalayaan ng pamamahayag ng Tsina.

 

Aniya, pinangangalagaan, alinsunod sa batas, ng pamahalaang Tsino ang malayang pagpapahayag, at sinusuportahan din ang pagpapatingkad ng ng papel ng media at publiko sa pagsusuperbisa.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method