Magkasunod na inilabas kamakailan ng Bloomberg at Pew Research Center, kilalang media at kilalang poll agency ng Amerika ang mga resulta ng dalawang surveys.
Ayon sa resulta ng una, pinakamaganda sa daigdig ang mga kilos ng Amerika sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Konklusyon naman ng huli na nananatiling negatibo pa rin ang imaheng pandaigdig ng Tsina, at may pagganda ang imaheng pandaigdig ng Amerika.
Ang resulta ng naturang dalawang poll ay nakatawag ng kabaliktaran na reaksyon at pangungutya ng opinyong publiko sa buong mundo.
Ang resultang nangunguna ang Amerika sa paglaban sa pandemiya ay bunga ng pagsusog ng Bloomberg ng mga alituntunin ng pagtasa, kaya binatikos ng buong mundo ang kawalang basehan at kawalan ng hiya ng ganitong aksyon.
Samantala, ang imbestigasyon ng Pew Research Center hinggil sa imaheng pandaigdig ng Tsina ay batay sa pagtasa ng 17 maunlad na ekonomiya lamang. Bakit hindi pinakinggan nito ang kuru-kuro ng mga bansang Asyano, Aprikano at Latin-Amerikano? May mahigit 190 kasaping bansa sa United Nations (UN), paanong kumakatawan ang 17 bansa’t rehiyon ng pangunahing pananaw ng komunidad ng daigdig?
Sa ilalim ng propesyonal at nagsasariling plano, ang mga media at organong gaya ng Bloomberg at Pew Research Center ay, sa katunayan, bahagi ng public opinion warfare na inilunsad ng Amerika. Gamit ang iba’t ibang paraan, ang tunay na layunin nila ay pangalagaan ang umano’y kaayusang Amerikano.
Ano ang kaayusang Amerikano? Tulad ng sabi ni Uncle Sam sa daigdig, “Huwag gawin ang ginawa ko, gawin ang hinayaan ko.”
Ang ganitong aksyon ng paglalagay ng silo ng poll para mapangalagaan ang umano’y kaayusang Amerikano ay lilikha ng mas maraming katatawanan sa daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac