Iran, ipagtatanggol ang sariling soberanya

2021-08-08 14:22:57  CMG
Share with:

Dalawang tripulante ng oil tanker na nakalinya sa Israel ang napabalitang nasawi  Hulyo 29, 2021, sa karagatang nakapaligid ng Oman dahil sa pagsalakay ng drone.

Kaugnay nito, inakusahan Agosto 6, 2021 ng mga ministrong panlabas ng G7 at mataas na kinatawan ng Unyong Europeo (EU) ang Iran bilang salarin sa nasabing pananalakay.

Anila, ang aksyong ito ay nagsapanganib sa kapayapaan at kaligtasang pandaigdig.

Bilang tugon, matinding kinondena nitong Sabado, Agosto 7, ni Saeed Khatibzadeh, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, ang naturang akusasyon.

Sinabi niya na “walang anumang basehan” ang nasabing pananalita.

Buong tatag na ipagtatanggol ng Iran ang soberanya nito sa rehiyong gulpo, aniya pa.

Dagdag niya, nagsisikap ang Iran para maigarantiya ang seguridad sa rehiyon ng gulpo at Straits of Hormuz, na mahalagang bahagi ng sariling kaligtasan.

Nakahanda ang Iran na makipagkooperasyon sa iba pang mga bansa sa rehiyong ito para maitatag ang kolektibong sistemang panseguridad sa rehiyon, diin niya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method