Ipinahayag nitong Lunes, Hulyo 12, 2021 ni Tagapagsalita Saeed Khatibzadeh ng Ministring Panlabas ng Iran na natamo na ng talastasang nuklear sa Vienna ang progreso, at malapit na ang pagkakaroon ng resulta.
Aniya, ipinalalagay ng panig Iranyo na dapat mabisang alisin ng panig Amerikano ang sangsyon laban sa Iran. Sa sandaling makumpirma ng Iran ang kaukulang kondisyon, agaran nitong panunumbalikin ang pagpapatupad ng obligasyon nito.
Salin: Lito
Pulido: Mac