Iran at Amerika, nagsasanggunian hinggil sa pagpapalitan ng mga bihag

2021-07-14 13:23:22  CMG
Share with:

Kinumpirma nitong Martes, Hulyo 13, 2021 ni Tagapagsalita Ali Rabiei ng Gabinete ng Iran na kasalukuyang ginaganap ang pag-uusap ng Iran at Amerika hinggil sa pagpapalitan ng mga bihag.
 

Aniya, kung palalayain ang mga Iranyong bihag, igagarantiya ang pambansang kapakanan ng Iran, at lalagdaan ng kapuwa panig ang pinal na kasunduan, isasapubliko ng panig Iranyo ang mas maraming impormasyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method