Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas Agosto 7, 2021, ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 96 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland sa loob ng 24 oras.
Sa mga ito, 15 ay galing sa labas ng bansa at 81 ay domestiko (38 Sa Jiangsu, 24 sa Henan, 7 sa Yunnan, 6 sa Hubei, at 6 sa Hunan).
Samantala, 3 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso sa Shanghai na galing sa ibang bansa.
Hanggang magha-hati gabi ng Agosto 7, 2021, 1,507 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang mga pumanaw.
Salin: Lito
Pulido: Rhio