Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng General Administration of Customs ng Tsina, umabot sa 6.3 trilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa mga bansa ng “Belt and Road Initiative (BRI),” mula noong Enero hanggang Hulyo ng taong ito.
Ang nasabing datos ay lumaki ng 25.5% kumpara sa parehong yugto ng tinalikdang taon.
Samantala, sa pulong na idinaos kamakailan ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), inilahad na dapat buong tatag na pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad sa magkakasamang pagtatatag ng BRI.
Ipinalalagay ng mga personahe ng sirkulong ito na ang BRI ay nagpapasulong ng pagkakabuklud-buklod ng buong daigdig.
Bukod pa riyan, naniniwala rin silang ang mabisang pagkontrol at pagpigil sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at napakalaking merkadong panloob ng Tsina ay umaakit ng mga mamumuhunan mula sa maraming dako ng buong daigdig.
Ang nabanggit na katangian ng Tsina, kasama ang BRI ay puwersang tagapagpasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, anila pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio