Kalagayan sa South China Sea, matatag sa kabuuan – Tsina at ASEAN

2021-08-09 16:01:30  CMG
Share with:

Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, Agosoto 7, 2021, na may komong katalinuhan at mithiin ang Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Aniya pa, sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas Hinggil sa Kooperasyon sa Silangan Asya, binibyang-diin ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na kailangang igalang ang katotohanan, batas, komong palagay, at mithiin ng mga bansa sa rehiyong ito.

Kalagayan sa South China Sea, matatag sa kabuuan – Tsina at ASEAN_fororder_wangyi

Tinukoy pa niyang matatag sa kabuuan ang kalagayan sa South China Sea, at ito'y mainam na bungang natamo ng Tsina at mga bansang ASEAN.

 

Samantala, sinabi rin niya na tinatangkang magtanim ng kaguluhan ng ilang bansa sa labas ng rehiyong ito, at ito'y pinakamalaking banta sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea.

 

Ipinahayag ni Hua na lubos na pinahahalagahan ng mga Ministrong Panlabas ng iba’t ibang bansang ASEAN ang aktibong progreso na natamo ng iba’t ibang kinauukulang panig sa pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at the Code of Conduct in the South China Sea (COC).

 

Inulit naman ng mga kalahok na Ministrong Panlabas na dapat lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng mapayapaang paraan, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa naturang karagatan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method