Sa pamamagitan ng video link, dumalo kahapon, Agosto 6, 2021, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Ika-28 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Regional Forum (ARF).
Nanawagan si Wang sa mga kalahok na panig, na isagawa ang tunay na multilateralismo at palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, bilang tugon sa limang pangunahing hamon sa rehiyong ito sa mga aspekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019, di-tradisyonal na banta sa seguridad, heopulitika, kapangyarihan sa pulitika, at mga mainit na isyung panrehiyon.
Kabilang dito, binanggit ni Wang ang isyu ng South China Sea. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, na marating sa lalong madaling panahon ang mabisa at substansyal na Code of Conduct sa South China Sea na angkop sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea.
Nanawagan naman ang mga ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN para sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Ipinahayag din nila ang pag-asang magkaisa at magtulungan ang iba't ibang bansa, para labanan ang pandemiya, ibangon ang kabuhayan, at pagtagumpayan ang mga kahirapan at hamon sa progreso ng pag-unlad.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Opisyal ng ASEAN: hindi dapat isapulitika ang pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus
Wang Yi, dumalo sa ika-11 pulong ng mga ministrong panlabas ng Summit ng Silangang Asya
Wang Yi: paghirang ng ASEAN ng espesyal na sugo sa mga suliranin ng Myanmar, kinakatigan ng Tsina
Halaga ng kalakalang Sino-ASEAN noong unang hati ng 2021, lumaki ng mahigit 38%